Today we also have to say “Thou shalt not” to an economy of exclusion and inequality. Such an economy kills.”

- Pope Francis-Pope Francis

Ang pagbisita ni Pope Francis dito sa Pilipinas, ay nagbibigay ng inspirasyon hindi lamang sa mga Katoliko, ngunit sa lahat ng Pilipino. Datapwat, bilang ama ng simbahan, siya’y naghabilin sa ating liderato para puksain ang malawakang kahirapan at kawalan ng hustisyang panlipunan.

“… Today the Philippines, together with many other countries in Asia, faces the challenge of building on solid foundations a modern society – a society respectful of authentic human values, protective of our God-given human dignity and rights, and ready to confront new and complex political and ethical questions.

As many voices in your nation have pointed out, it is now, more than ever, necessary that political leaders be outstanding for honesty, integrity and commitment to the common good. In this way they will help preserve the rich human and natural resources with which God has blessed this country.

Thus will they be able to marshall the moral resources needed to face the demands of the present, and to pass on to coming generations a society of authentic justice, solidarity and peace.”

-Pope Francis, Message in Malacanang Jan. 16, 2015

Datapwat, kung ang administrayong Aquino ay nakinig ng tapat, aasa ang mamamayang Pilipino na kanyang harapin ang balikwas niyang pang-ekonomiyang patakaran.

Dala namin ang panawagan para sa pagkakaroon ng alternatibong ekonomiya, kapalit ng pahirap na sistema ng neoliberalismo. Ang alternatibong ekonomiya, para sa FDC, ay ekonomiyang ang pag-unlad ay pakikinabangan ng lahat. Hindi gaya ng neoliberalismo ngayon na sadlak sa kahirapan ang marami sa kabila ng sinasabing “inclusive growth.”

Kaya anumang palamuti ang gawin ni P-Noy sa kanyang platapormang “inclusive growth,” hindi ito maramdaman ng mga Pinoy dahil hindi ang masa kundi may-ari ng mga korporasyon ang nakikinabang dito. Halimbawa, mula 2003 hanggang 2009 ay umunlad ang ekonomiya ng average na 4.8%. Pero ang bilang ng mahihirap ay nadagdagan pa, mula 19.8 milyon hanggang 23.1 milyon. Kalakhan ng paglago ng GDP na ito ay napunta sa mga korporasyon na umabot ng P3 trilyon kumpara sa PhP2.4 trilyon na napunta sa pamilyang Pilipino.

Sa katunayan, ang pinagsamang kita ng Top 40 Filipino billionaires ay umaabot ng US$47 bilyon o katumabas ng P2 trilyon. Halos kapareho na ito ng National Budget taun taon. Samantalang ang kita ng isang pamilyang nasa bottom 30% ng ating populasyon ay nasa P5,200 kada buwan, (P173 kada araw) . Kapos para pakainin ng sapat ang isang pamilya.

Ang hindi pantay na hatian o distribusyon ng yaman ang totoong problema kung bakit nananatili ang kahirapan kahit na sagana ang istatistika ng “kaunlaran.” Ang kasalukuyang 7.3% na GDP, kung gayon, ay walang saysay kung hindi rin papatak o paunti-unti lang darating sa kamay ng masa. At ang sistema ng neoliberalismo – na kinakatawan ng mga patakarang pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon, ang nagtitiyak na anumang ang pag-unlad ng lipunan ay nasa control ng pribadong sektor.

Pasan ng masang Pilipino ang bigat ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo dahil sa pribatisasyon at deregulasyon. Dama ng lahat ang kawalan ng trabaho dahil ang estratehiya ng pamahalaan ay “private-led growth” – sa pribadong sektor magmumula ang trabaho, foreign investors ang magdadala ng trabaho. Makikipartner na lang ang gubyerno sa kanilang intensyon sa pamamagitan ng PPP o public-private partnership ni P-Noy. Dahil sa pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon, walang nabuong programa sa industriyalisasyon ang mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon. Resulta: Kawalang trabaho. Kalahati ng labor force ay nabubuhay sa sariling sikap o para-paraan. Maging agrikultura ay ibinukas sa liberalisasyon. Ang land development sa mga syudad ay mas inilalaan sa pribadong ispekulasyon sa halip na gamitin sa socialized housing. Resulta: Kagutuman at kawalang tirahan sa milyon-milyong Pilipino.

Ang mga paninindigan ng Santo Papa sa isyu ng kababaihan ay makikita sa kanyang pahayag…

“…a Church without women is like the Apostolic College without Mary. The role of women in the Church is not only maternity, the mother of the family, but its stronger: it is, in fact, the icon of the Virgin, Our Lady, the one who helps the Church grow... A profound theology must be made of woman.”

-Pope Francis, October 29, 2013

 

Kawalan ng Karapatan sa Kalusugang Pang-Reproduktibo sa Kababaihan

Ang patuloy na pagbalewala ng karapatan ng kababaihan sa kalusugang pangreproduktibo, nagkakaroon ng malaking balakid sa kanyang pagkakaroon ng pang-ekonomiyang kagalingan. Di miminsan na na may namamatay na kababaihan dulot ng panganganak. Kabilang ang Pilipinas sa Gitnang Asya na higit sa100 maternal mortality rate (MMR) dahil sa MMR na 162. Sa nasabing bilang, labing dalawang kababaihan ang namamatay araw-araw mula sa komplikasyon sa panganganak: hemorrhage, hypertensive diseases, obstructed labor at problema sa pangnganak na maaring magamot kung binibigyang pansin ang maternal health. Hindi na naabot ng Pilipinas ang target na 55-60 na MMR sa Millenium Development Goal (MDG) ngayong 2015.

Ang kawalan ng kababaihan ng karapatang magpasiya para sa kanyang katawan ay pumapatong pa sa iba’t ibang porma ng gender-based diskriminasyon sa ekonomiya at trabaho ay may epekto sa pagkamit ng kababaihan ng kanilang karapatan sa economic empowerment. Bagamat may naabot na sa pagkilala sa pantay na karapatan ng babae at lalaki sa usapin ng oportunidad ng pagtatrabaho, pasweldo, proteksyon sa diskriminasyon sa hiring, nanatiling may gender gaps hinggil sa partisipasyon ng kababaihan sa lakas paggawa, sweldo, access at pagmamay-ari ng lupa, bahay at iba pang rekurso, pagsasanay at pag-unlad, at partisipasyon at paggawa ng desisyon sa usaping trabaho at ekonomiya.

Kawalan ng Access sa Batayang Serbisyo sa Kababaihan

Ang mga batayang serbisyo katulad ng sapat at murang pagkain, mababa at sapat na kuryente, malinis na tubig, disente at abot-kayang pabahay, libreng edukasyon at unibersal na pangkalusugang serbisyo, ay mahalagang serbisyo para sa papel ng kababaihan sa pangangalaga ng buhay, mamamayan at lipunan. Ngunit matagal nang hindi natitiyak ng pamahalaan ang obligasyon na ito sa mamamayan. Ang estimadong pagkakautang ng estado sa kanyang mamamayan ay umaabot na sa Trilyong piso, sa loob ng sampung taon:

  • Edukasyon – P 3.56T pagkakautang ng gobyerno dahil wala pa 6% ng GDP ang inilalaan nilang pondo sa edukasyon alinsunod sa UNESCO;
  • Kalusugan – P 4.8T pagkakautang ng gobyerno dahil nananatiling wala sa 5% ng GDP ang inilalaan sa taunang badyet alinsunod sa WHO;
  • Pabahay – P1.43T ang pagkakautang ng gobyerno sa pabahay kung ang pagbabatayan ang 1M housing unit backlog nito. wala pa sa 1% (.086) ng GDP ang inilalaan ng gobyerno sa serbisyong pabahay sa bansa.

Malaki na pagkakautang ng gobyerno sa mamamayan. Ang dahilan nito ay iba ang prayoridad ng gubyerno. Taun-taon 45% ng kabuuang badyet nito ay inilalaan sa pagbabayad ng utang (interes at prinsipal) . Ngayon, mahigit P 4.7 Trilyong piso ang ibinabayad ng gobyerno sa ating pagkakautang. Katumbas ito ng 64% Gross Domestic Product o GDP ng bansa. Kung ilalaan ito sa serbisyong panlipunan, paniyak uunlad ang ekonomiya at mamamayan. Sa halip na utang sa panlipunang serbisyo mas utang sa mga kapitalista’t bangko ang inuuna ng gobyerno. Dahil dito, patuloy ang kahirapan at kagutuman ng maraming mamamayan at kababaihan sa ating bansa. Masaklap pa, tayo ang pinapatawan ng buwis na walang ibinabalik na sapat na serbisyo sa mamamayan--- ang Gobyerno ang dapat nating singilin.

 

Kababaihan ang Pumapasan Sa kakulangan ng Pamahalaan

Para sa kababaiihan ang pangangalaga at pagkalinga ng pamilya ay may dalawang mukha: pribilehiyo at pasanin. Kapag itinatanggi ng gobyerno ang kanyang obligasyong ito sa kanyang mamamayan sa pamamagitan ng pribatisasyon ng batayang serbisyo; kawalan ng maayos regular at permanenteng hanapbuhay at nakabubuhay na sahod kasabay ng patuloy ang deregulasyon ng presyo ng pangunahing bilin, kababaihan ang pumapasan.

Sa pagsiguro na may maayos na edukasyon ang mga batang nasa pangangalaga niya, may tirahan kahit na walang kasiguruhan ang kanilang paninirahan, may access sa kuryente kahit mahal; at siguruhing may makakain kahit papapaano; babae ang pumapasan ng karagdagang trabaho para sa kita; pangungutang sa kamag-anak, kakilala at kahit ang pagpatol sa 5-6; pagsantabi ng personal niyang pangangailangan at kalusugan; at pagsakripisyo ng oras ng pagpapahinga at pagpapaunladng sarili.

“Essential to the attainment of these national goals is the moral imperative of ensuring social justice and respect for human dignity. The great biblical tradition enjoins on all peoples the duty to hear the voice of the poor.

-Pope Francis, Message in Malacanang, Jan. 16, 2015

Tunay na maisasama ang lahat sa pag-unlad at hindi magagawang tuluy-tuloy at likas-kaya o sustainable ang pag-unlad KUNG walang redistribution o muling pagaayos ng hatian sa yaman at kita ng ekonomya ng bansa sa pagitan ng nakararaming mamamayan at ng elite ng bansa. Equitable development, paglaki ng ekonomya batay sa bagong hatian ng yaman at kita, at paglaki ng ekonomya kasabay ng pantay na akses ng lahat sa biyaya nito – ito ang tindig ng FDC sa usapin ng economic growth.

“It bids us break the bonds of injustice and oppression which give rise to glaring, and indeed scandalous, social inequalities. Reforming the social structures which perpetuate poverty and the exclusion of the poor first requires a conversion of mind and heart.”

-Pope Francis, Message in Malacanang Jan. 16, 2015

Sa pagtugon sa pananalita ng Santo Papa sa kanyang pagdalaw dito sa Pilipinas, ang Freedom from Debt Coalition ay muling hinahamon ang Gobyernong Aquino, LANSAGIN ANG NEO-LIBERALISMO! ITAGUYOD ANG MAKATOTOHANANG HUSTISYANG PANLIPUNAN!

FDC Chapters

chapters