ANG sistematikong karahasan sa kababaihan ay nananatili at lalo pang nagiging marahas dahil sa palpak na Gobyernong Aquino. Ang kapalpakang ito ay patuloy na sumisira sa dignidad at kaga-lingan ng kababaihan.

Ang Freedom from Debt Coalition kaisa ng World March of Women-Philippines sa paggunita ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan (March 8, 2015) , ay nagluluksa sa lumalawak na karahasan sa kababaihan. Ang araw na ito, na sana’y nagsisilbing selebrasyon ng kagalingan at dignidad ng kababaihan, ngayon ay nagsisilbing paalala kay Juana na Kumilos para sa Bagong Ekonomiya, Bagong Politika, Bagong Sistema. Huwag payagan ang sunod sunod na palpak na gawain ng Gobyernong Aquino, sa ekonomiya, polisiya at pamamahala, dahil sa kanyang baluktot na sistemang NEO-LIBERALISMO. Ang patuloy nitong polisiya sa giyera (sa Mindanao) , kung saan ang mga pagsasanay ng US military ay walang patid, ang pagdagsa ng US troopsna nagta-tago sa ilalim ng huwad na polisiya ng kapayapaan at ang pagturing na ordinaryong krimen ang naganap na pagpatay kay Jennifer Laude ng akusadong sundalong Amerikano, ay dahilan ng pag-luluksa para sa mga Pilipina.

Nakakagalit, hindi nakakatuwa ang pagpapabaya ni PNoy sa pagpapatuloy ng militarismo ng Amerikano, na napatunayan ng naganap sa Mamasapano, Maguindanao; ang karahasan sa mga inosenteng sibilyan: kababaihan, transgender at kabataan na naiipit sa giyera kung saan apatnapung miyembro ng PNP-SAF,labing walong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) , higit kumulang sa limang Muslim na sibiliyan kasama ang batang si “Sarah”, ang mahigit sanlibong mamamayan (8,130 pamilya o 30,130 indibidwal) na pwersadong nililikas dahil sa giyera, at ang nakokompromisong Prosesong Kapayapaan sa Mindanao-Sulu area.

Nakakagalit, hindi nakakatuwa ang kawalan ng proteksiyon sa kababaihan, kabaligtaran ng patuloy na pagproteksyon ng mga Amerikano sa ilallim ng Visiting Forces Agreement (VFA) , kung kaya’t nahihirapan ang kapulisan sa pag-aresto at paglagay sa kanilang kustodiya sa akusadong si Joseph Scott Pemberton, at dalhin sa korte ng Pilipinas.

Nakakagalit, hindi nakakatuwa ang kapalpakan ng Gobyernong Aquino, ang kanyang pagpapabaya sa karahasang pangkababaihan dahil sa baluktot na polisiya at politikang tradisyunal nito na naka-angkla sa patriarkiya at neoliberalismo; ang kawalan ng katarungan pang-ekonomiya at hustisyang pang-reproduktibo, na nagdudulot ng patuloy na kahirapan at pasanin ng kababaihan, sa pagtataguyod ng maayos at maginhawang buhay para sa lahat ng Juana, subali’t hinahayan nitong magpatuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente at tubig, sa serbisyong pangkalusugan, sa kawalan ng katiyakan sa pabahay at ang pagdami ng Juanita at Juanitong walang edukasyon.

Ang Freedom from Debt Coalition, ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay mariing kino-kondena ang giyera at karahasan laban sa kababaihan at itinatakwil ang palpak na Gobyernong Aquino. Kung kaya’t patuloy ang panawagan sa lahat ng Juana at Juan, Juanita at Juanito na Kumilos para sa

Bagong Ekonomiya, Bagong Politika, Bagong Sistema!

FDC Chapters

chapters